Physical Address
304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124
Physical Address
304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124
Dalawang araw bago na-admit ang panganay kong 3 taong gulang, napansin namin na may bukol sa kanyang leeg. May lagnat rin siya na hindi mawala-wala. Sinubukan namin magpainom ng antibiotic (Co-amoxiclav) pero ayaw niyang inomin. Effective sana ito kaso sinusuka niya halos lahat ng gamot na pinapainom sa kanya.
Malakas pa siya sa unang dalawang araw dahil kaya pa niya makipaglaro. Ngunit napansin namin na wala na siyang ganang kumain. Minsan, umoorder siya ng dede niya pero kahit 1 ounce ay di niya maubos. Upang hindi ma-dehydrate, binibigyan ko rin siya ng chocolate milk tulad ng Chuckie. Yon nga lang, kahit yong mga gusto niyang inomin ay hindi maubos-ubos.
Antibiotic ang pangunahing gamot sa tonsillitis sanhi ng impeksyon ng bakterya.
Dr. Jaafar Said
Noong gabi bago siya na-admit, nagsimula na siyang mahirapan huminga. Mukhang barado ang kanyang ilong kaya Nakabukas ang kanyang bibig habang natutulog. Gayonpaman, hindi pa rin maayos ang kanyang tulog sabay iyak ng iyak. Dito ko rin napansin na bumaho na ang kanyang hininga.
Paggising namin sa umaga, naiba na ang kanyang boses. Ang tunog ng boses niya ay parang yong may binubuga kang hangin para ilabas ang plema sa tutunlan. Kaya habang umiiyak siya ng malakas, tiningnan ko ang bunganga niya kung mayron siyang tonsillitis.
Pagsilip ko sa bunganga ng anak ko, nakita kong namamaga at puting puti ang kanyang tonsils. Gaya ng picture sa itaas, halos barado ang kanyang bunganga kaya nahihirapan siyang kumain at uminom.
Subalit hindi lang ang bunganga ang may barado, dahil kahit yong daanan ng hangin galing sa ilong papuntang baga ay barado rin kaya nahihirapan huminga ang aking anak.
Dahil punong puno ng bakterya ang tonsils niya, naging mabaho ang kanyang hininga. Ito yong tinatawag na halitosis. Ito ay isa sa mga komplikasyon ng tonsillitis dahil sa dami ng mikrobyo sa tonsils (abscess).
Habang yong pag-iiba ng kanyang boses ay tinatawag na hot-pototo voice. Ito ay sanhi ng pagkabarado sa daanan ng hangin. Kumbaga, para itong boses ng isang taong nagsasalita na may patatas sa kanyang bunganga.
Sa madaling salita, ang mga sintomas ng anak ko na may tonsillitis ay:
Habang ang mga komplikasyon na naramdaman ng anak ko kaya siya na-admit ay:
Ang sore throat ay isa rin sa mga madalas na sintomas ng pasyenteng may namamagang lalamunan, subalit noong tinanong ko ang anak ko may masakit sa kanya, hindi siya sumasagot.
Unang una, dahil hindi siya umiinom ng gamot. Siguro, kung nagpapagamot ang anak ko simula pa lang, baka hindi na siya magkaroon ng komplikasyon.
At syempre, ang pangunahing dahilan kung bakit siya na-admit ay dahil takot akong magkaroon siya ng total airway obstruction. Ibig sabihin, kung sobrang malaki na ang barada sa daanan ng hangin, posibleng hindi na makahinga ang bata. Tapos, magiging medikal emergency na ito at kinakailangan tubuhan ang pasyente sa mga ganitong sitwasyon.
Kaya kung may anak ka na may tonsillitis na may sintomas ng pagkabarado ng daanan ng hangin tulad ng anak ko, dalhin mo na siya agad sa hospital.
Unang una, binigyan siya ng swero para malagyan ng tubig ang katawan niya. Dahil sa 2 araw na siyang walang ganang kumain, may mga senyales na siyang dehyration.
At syempre, binigyan siya ng antibiotic na pang-swero dahil ang tonsilitis niya ay sanhi ng bacteria. Una, binigyan siya ng Penicillin pero noong walang gaanong pagbabago pagkalipas ng isang araw, binigyan siya ng Ceftriaxone. Ito ay mas malakas na gamot para sa impeksyon ng tonsil.
Maliban sa antibiotic, binigyan rin ang anak ko ng supplemental treatment para sa sipon at sa kanyang sakit na pulmonya. Kaya naging mas mabilis ang gamutan kaya naka-uwi kami pagkalipas ng apat na araw. Niresetahan ng Pediatrician ang anak ko ng Cefixime para ituloy ang gamutan.
Maliban sa mga gamot na ginamit sa anak ko, ang iba pang mga gamot sa tonsillitis, hayon sa CPG galing sa UP-PGH, ay ang mga sumusunod:
Antibiotic | Notes |
---|---|
Amoxicillin | Kadalasang isa sa mga unang binibigay |
Cefuroxime | |
Azithromycin | |
Clarithromycin | |
Erythromycin | kung may allergy sa penicillin |
Subalit Ang wastong dosage ng gamot na pinapainom sa bata ay depende sa computation ng doktor. Hindi ito pwedeng sobrahan dahil may side effect ito na nakakasama sa kalusugan ng bata, at hindi naman pwedeng kulang dahil nakakasanhi ito ng bacterial resistance.
Maliban sa anitibiotic, may iba’t ibang gamot rin na madalas gamitin para mabawasan ang pamamaga ng lalamunan ng bata tulad ng oral spray. Ang halimbawa nito ay Difflam at Kamillosan.
Kapag may tonsillitis ang bata, nararapat na ipacheck-up sa doktor lalo na kapag lumagpas ng 3 araw ang kanyang nararamdaman. Nang sa ganon, maresetahan ng tamang antibiotic kung kinakailangan.
Masusuri rin ng iyong doktor kung may komplikasyon na ang tonsillitis ng iyong anak. At ang huli ay malalaman mo kung kinakailangang ma-admit ang iyong pasyente.