Physical Address

304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124

Mga Sakit sa mga Organ na Nagsasanhi ng Sakit sa Tagiliran

Gumawa kami ng video para dito, kung gusto mo panoorin, iclick ang Youtube video link. Kung gusto nyo lang basahin, ituloy lang ang pagbabasa.

Para natin madaling maintindihan ang mga sanhi ng sakit sa tagiliran. Tingnan muna natin ang mga organs na posibleng apektado.

Una, syempre, ang balat, kalamnam, at ang mga buto.

Tapos, yong mga organs na nasa loob ng ating katawan.

Una, yong nasa kanang bahagi, ay ang atay, apdo, bituka, ovary ng babae, at kidney.

Pangalawa, yong nasa kaliwang bahagi, ay ang spleen, yong ilang bahagi rin ng bituka, at yong pangalawang kidney at ovary.

Ngayong alam mo na ang mga organs na pwedeng apektado. Madali na natin maintidihan ang mga sakit sa mga organ na nagsisintomas ng sakit sa tagiliran.

1. Problema sa balat tulad ng shingles. 

Obvious lang kung ito ang dahilan dahil may nakikita kang pantal pantal sa iyong tagiliran. Kung may ganito ka, dumiretso ka na sa doktor para mabigyan ka ng gamot para sa virus. Maliban sa sobrang sakit nito, nagtatagal ito ng ilang araw kahit nabigyan ka na ng gamot.

2. Sakit sa kalamnam tulad sa spasm. 

Kung may ginawa kang mabibigat at nakakapagod ilang araw bago sumakit ang tagiliran, ito ang isa sa pinaka-common na dahilan. Ilan sa mga mabibigat na trabaho ay ang paglalaba ng marami, pagbubuhat ng mabigat, at pagmamaneho ng matagal.

Kung muscle pain lang ang nararamdaman mo, pwede kang uminom ng over the counter na pain reliever tulad ng Celecoxib o mefenamic acid at muscle relaxant tulad ng epirisone. 

3. Problema sa buto tulad ng pagkapilay at sakit sa backbone. 

Kung may aksidente ka bago ang kirot sa tagiliran, pilay ang unang  posibleng dahilan. Para matukoy, tingnan mo lang kung may pamamaga at kung sumasakit kapag hinahawakan. Kung ganito ang iyong sitwasyon, pumunta agad sa hospital para sa tamang gamotan.

Samantala, kung ang sakit sa tagiliran ay may kasamang sakit sa iyong likod at hita, baka problema sa backbone ang dahilan. Madalas ang backbone problems sa mga matatanda at mga emplayadong palaging naka-upo.

 4. Sakit sa atay. 

Kadalasan, ang mga taong may sakit sa atay ay may sintomas na pagkatamlay, kabag sa tiyan, at walang ganang kumain.

Madalas ang sakit sa atay sa mga taong malakas kumain ng matataba at palaging umiinom ng alak. Namamana rin ang sakit sa atay, kaya kung mga kapamilya kang may liver problem, mas mainam na magpalaboratory ng dugo tulad ng ALT at AST para makita ang kondisyon ng iyong atay.

5. Sakit sa apdo.

Ang Bato sa apdo ang pinakamadalas na problema sa apdo. Nabubuo ang bato dahil sa sobrang fats sa katawan. Kung ito ang sanhi ng kirot sa tagiliran, Kadalasang steady at parang pulikat ang nararamdamang sakit. Posibleng umakyat ang sakit mula sa tagiliran papunta sa kanang balikat. Nangyayari minsan ang sakit pagkatapos kumain, at parang may kabag din na nararamdaman. Tumatagal ang sakit mula 30 minuto hanggang 6 na oras.

Kung ito ang hinala mo, mainam na magpa-ultrasound para makita ng doktor kung may bato talaga  sa iyong apdo.

Babala: Kapag lumalala ito, nagkakaroon ng biglaang lagnat at pandidilaw ng balat ang pasyente. Kung mangyari ito, pumunta agad sa hospital para makita ang iyong kondisyon.

6. Problema sa bituka. 

May 3 sakit sa bituka na posibleng makasanhi ng sakit sa tagiliran. Ang appendicitis, diverticulitis, at obstruction. 

Ang appendicitis ay kadalasang nararamdaman sa kanang bahagi ng tiyan, habang sa kaliwang bahagi naman ang diverticulitis, pero minsan, pumupunta ang sakit sa tagiliran lalong lalo na kung ang parte ng bituka na may problema ay nasa likuran. Ang halimbawa nito ay yong tinatawag na retrocecal appendicitis.

Pero Malalaman mo lang ito pagkatapos ka makita ng doktor. Samantala, ang obstruction ay nakakasanhi ng sakit sa tagiliran lalong lalo na kung may kabag at pagtitibi.

7. Sakit sa spleen.

Nangyayari ang mga problema sa spleen kapag may iba kang sakit tulad ng dengue, malaria, at typhoid fever. Ang mga sakit na ito ay kadalasang naka-ugnay sa lagnat, sakit ng ulo, at sakit ng katawan.

Kaya kung may lagnat ka at sakit sa tagiliran na umabot ng tatlong araw, mas mainam na magpakonsulta sa doktor. Nagpapalabotatory ang iyong doktor para malaman ang eksaktong dahilan  ng iyong nararamdaman.

8. Problema sa Ovary.

Kung isa kang babae na may irregular na regla, posibleng ovarian cyst ang problema. Gayonpaman, Nawawala lang ng kusa ang cyst pero kung may partner ka, kailangan din iconsider ang ibang sakit ng babae tulad ng ectopic pregnancy.

9. Sakit sa kidney.

Mga sakit sa kidnay ang pinakamadalas na rason kung bakit nagkakaroon ng sakit sa tagiliran. Hayon sa philhealth, may 1.5 milyon na Pilipino ang may problema sa kidney. Ilan sa mga sakit na natukoy ay UTI, bato sa kidney, at cyst.

Hindi masyadong madalas ang cyst, pero kung ang cyst ang dahilan, kadalasang may kasamang dugo ang ihi. Suspek rin ang cyst kung may mga kapamilya kang may kidney cyst din.

Samantala, kung UTI naman ang dahilan, madalas itong may kasamang ibang sintomas tulad ng lagnat at masakit umihi. Madalas rin ito sa mga kababaehan at mga lalaking 40 plus ang edad na may malaking prostate.

Subalit ang pinakamadalas talaga na dahilan kung bakit may sakit sa tagiliran ay ang bato sa kidney. Iba iba ang kasama nitong sintomas tulad ng dugo sa ihi, panlalamig, at lagnat, kaya para makasigurado, pumunta sa clinic para magkapag-ultrasound. 

Alalahanin mo ito Kung mahilig ka ng maalat na pagkain, at kung palagi kang pinagpapawisan pero hindi ka madalas uminom ng tubig,. Lalong lalo na kung may kapamilya ka ring may kidney stones.

Ano ang dapat mong gagawin?

Ngayong alam mo na ang mga posibleng dahilan kung bakit may sakit sa tagiliran. Ano ang iyong dapat gawin?

Kung ang sakit ay umabot ng tatlong araw, magpakonsulta ka na sa doktor. Kadalasan, ginagawa ang mga test sa dugo at ihi, at ang ultrasound. Subalit kung sobrang sakit naman ang nararamdaman, pumunta ka na agad sa hospital.