Physical Address
304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124
Physical Address
304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124
Dalawa sa mga kapatid ko ay may bato sa apdo: yong panganay namin a.k.a. Anton, at saka yong pang-apat sa amin a.k.a. Kevin. Hindi na-operahan si Anton dahil simula noong nalaman niyang may bato siya sa apdo, sobrang ingat na niya sa pagkain. Samantalang si Kevin ay na-operahan dahil biglang sumakit ang tiyan niya ng sobrang-sobra.
Kaya ngayon, ipapaliwanag ko kung ano ba ang bato sa apdo. Paano ba ito nabubuo at kung paano ito ginagamot. Tatalakayin din natin ang sanhi, sintomas at paano nalalaman na may bato sa apdo. At kung tulad ka ni Anton, tiyak na gusto mong malaman kung anu-ano ang mga bawal at pwedeng pagkain para sa may bato sa apdo.
Ang Gallstones o “bato sa apdo” ay isang karamdaman kung saan nakakabuo ang gallbladder (o apdo sa Tagalog) ng bato dahil sa sobrang daming cholesterol o calcium bilirubinate. Kung ang bato ay gawa sa maraming cholesterol, tinatawag itong Cholesterol Stones, pero kung gawa ito sa maraming calcium bilirubinate tinatawag itong Pigment Stones.
Nabubuo ang bato sa apdo dahil nakakaipon ng maraming cholesterol crystals sa apdo. Ang mga crystals na ito ay nabubuo kapag sumusobra ang dami ng cholesterol o kaya ay kapag kunti lang ang bile acid o lecithin sa katawan. Ang bile acid ay tumutulong sa pagtunaw ng matataba sa pagkain habang ang lecithin ay nagpapalambot ng bile acid para hind maging crystals.
Sa madaling salita, ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng bato sa apdo ay maraming cholesterol o kunting bile acid o lecithin.
Ang mga sintomas ng bato sa apdo ay sakit ng tiyan, pagkaumay o pagsusuka, lagnat, at pandidilaw ng balat o mata.
Kadalasan, ang sakit ng tiyan ay sobrang sakit na hindi nawawala. Biglaan ito at mas nararamdaman sa kanang itaas na bahagi ng tiyan. Minsan, kumakalat ang sakit sa likod at balikat. Karaniwang nangyayari ang sakit pagkatapos kumain ng matatabang pagkain.
Kung hindi lang sa sakit, hindi naman talaga delikado ang bato sa apdo. Pero ang mga komplikasyon nito ang dapat iwasan dahil possible makasanhi ito ng mas malalang kondisyon tulad ng chronic cholecystitis at gallstone ileus,
Gayunpaman, walang namamatay dahil mismo sa bato sa apdo. Hayon sa aral nila Watters, tatlo lang ang namamatay sa isang taon sa mga taong may bato sa apdo pagkatapos maoperahan. Pero sila yong mga pasyenteng may mga komplikasyon tulad in malalang impeksyon.
Ang Ursodeoxycholic Acid (UDCA) ang pinakakilalang gamot para sa bato sa apdo. Ito ay parang bile acids kaya binabawasan nito ang pagpasok ng cholesterol sa gallbladder at tumulong din sa pagtutunaw ng cholesterol sa bituka. Dahil dito, ang UDCA ay nakakapagpatunaw ng bato sa apdo lalo na kung ito ay maliliit at hindi nakikita sa X-ray.
Ang UDCA ang pangunahing gamot sa bata sa apdo. Pero kapag umabot ng >3cm ang bato, kadalasang ginagawa ang operasyon.
Dr. Jaafar Said
Gayunpaman, kinakailangan ang matagalang gamotan para tunawin ang bato. Hayon sa libro ni Harrison, umaabot ng 6 na buwan hanngang 2 taon ang gamotan para tunawin ang bato sa apdo. Subalit kahit matunaw ang bato, may posibilidad na bumalik ang bato pagkalipas ng 3-5 years.
Samantala, kung ang laki ng bato ay hindi lumagpas ng 2 cm, pwedeng tunawin ito ng Shock Wave para basagin ang bato upang mas madaling mailabas at matunaw.
At ang panghuli ay ang opera. Ginagawa ang operasyon upang alisin ang gallbladder at mabisa ito sa mga batong umaabot ng 3 cm at sa mga pasyenteng may matinding sintomas. Ginagawa rin ang operasyon kapag may komplikasyon na ang bato tulad ng empyema, gangrene, o kapag nabutasan ang daanan ng bile.
Ang mga pagkain na kailangang iwasan ng taong may bato sa apdo ay ang mga sumusunod:
Uri ng Pagkain | Mga Halimbawa |
---|---|
Pagkain mataas ang Calorie at Fats | Prito; Karne |
Pagkain mataas ang Cholesterol | Mga Produktong Full-Fat Dairy tulad ng keso, butter, at whole milk); Processed foods tulad ng mga fast food sa Jollibee at McDO; Junk food |
Refined Sugars and Carbohydrates | Softdrinks tulad ng coke; Energy drinks tulad ng Sting at Cobra; Matatamis tulad ng cake, cookies at candies; White bread |
Samantala, ang mga pagkain na pwede sa mga taong may bato sa apdo ay ang mga sumusunod:
At ang ang panghuli, may aral na ang apple juice ay isang inoming ginagamit pangtunaw ng bato sa apdo.