Physical Address
304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124
Physical Address
304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124
Noong nagkaroon ako ng sunburn, sinabihan ako ng asawa kong doktor na uminom ng pain reliever (gaya ng Gabapentin o Ibuprofen), Cetirizine, at Prednisone. Pinagamit niya rin ako ng Hydrocortisone cream para mabawasan ang pamumula at pangangati ng aking balat. Pinayuan din nya akong maglagay ng cold compress at maligo sa malamig na tubig para mas guminhawa ang pakiramdam ko.
Nagkaroon ako ng sunburn dahil magdamag akong walang damit habang naliligo at nagbibiyahe sa dagat noong nag-hopping island kami sa Samal Islands. Umaambon at maulap sa araw na yon kaya akala ko hindi ako magkaka-sunburn. Akala ko kapag may ulap ay hindi malakas ang ultraviolet light mula sa sikat ng araw.
Akala ko sa una, dulot ng sikat ng araw ang nararamdaman kong init at hapdi sa aking katawan. Nalaman ko nalang sa bahay na sunburn pala ang sanhi ng aking nararamdamang mainit at mahapdi sa aking likuran.
Tulad ng makikita sa larawan, namumula ang balat na apektado ng sunburn. Mahapdi at makati ito, tapos mainit at masakit ito kapag hinahawakan. May gabi rin na hindi ako makatulog dahil sa sobrang kati. Ito yong sintomas ng sunburn na tinatawag na “Hell’s Itch.” Pakiramdam ko, parang tinutusok ako ng karayom o kinakagat ng insekto.
Kaya heto, ipapaliwanag ko kung paano ito maiwasan, kung paano ito gamotin, at kung ano bawal at dapat gawin kapag may sunburn.
Wag hayaang lumagpas ng 15 minuto ang pagbibilad sa araw.
Dr. Jaafar Said
Minsan, gusto natin masikatan ng araw dahil gusto natin makakuha ng vitamin D. O kaya minsan, gusto natin umitim ng kunti (suntan). O kaya minsan, nilalabas natin ang ating anak para makaiwas sa pangingilaw ng balat.
Subalit dapat natin malaman na ang tamang paraan upang magkaroon ng Vitamin D ay ang pagbibilad sa araw ng 10 to 30 minuto lamang, 3 beses sa isang linggo. Para naman sa pagtatan, magbilad lang sa loob ng 15 minuto tapos depende kung kaya, bawasan o dagdagan ng 5 minuto ang pagbibilad. At para naman sa remedy ng mga bata at sanggol, ibilad ang bata 20 to 30 minutes sa isang araw gamit ang indirect sunlight sa loob ng bahay.
Kung nasa bakasyon ka (lalong lalo na kapag summer simula Marso hanggang Mayo), ugaliin gawin mo ang mga sumusunod para makaiwas ng sunburn:
Walang gamot para gamutin mismo ang sunburn dahil nawawala rin ito ng kusa. Subalit ang mga gamot sa sunburn na tatalakayin dito ay ang mga gamot na tumutulong sa mga sintomas nito. Ang mga gamot sa sunburn ay ang mga sumusunod:
Gamot | Dahilan |
---|---|
Cetirizine | Para sa pangangati |
Pain reliever | Hayon sa research nila Guotos, ang Gabapentin ang tamang pain reliever sa sunburn. Subalit, mayron din nagsasabi na sapat ang Nsaids tulad ng Ibuprofen para sa sakit at pamumula. |
Gel o lotion na naglalaman ng Aloe vera o calamine | Nakakatulong itong mabawasan ang mga sintomas ng pagkasunog ng balat. |
Steroids | Ang steroids ay ginagamit lang sa mga unang araw. Tumutulong ito sa mga malalang sunburn na may lagnat at sakit sa ulo. Ngunit kailangan ng reseta ng doctor bago ka makainom nito. Samantala, pwedeng gumamit ng over-the counter na 1% Hydrocortisone cream para sa sakit, pamamaga, at pamumula ng balat. |
Moisturizing cream | Pagkalipas ng isang linggo, posibleng mamalat ang balat na may sunog sa balat. Lagyan ito ng moisturizer para bumalik ang normal na kondisyon ng balat. |
Dagdag pa sa mga gamot na nabanggit, pwede rin gumamit ng cold compress o Burrow solution para mabawasan ang mga sintomas ng sunig sa balat. Tapos, uminom na maraming tubig dahil mas maraming nawawalang tubig sa katawan kapag may sunburn.
Minsan, nasosobrahan talaga ang pagbibilad na siyang nagdudulot ng second degree na sunog sa balat. Ibig sabihin, maliban sa mga sintomas ng first degree na pinsala tulad ng pamumula at pananakit ng balat, nagkakaroon din ito ng paltos (blister sa English).
Kung mayroong blister ang sunburn, mas makakabuti kung magpapakonsulta sa doktor. Maliban din sa blister, pwede rin magkaroon ng iba pang sintomas tulad ng sakit ng ulo, pagkahilo, pagkaumay o pagsusuka, mataas na lagnat, masakit na mata, at impeksyon (kung may nana ang paltos). Kaya, kung mayron kang ganitong mga sintomas, magpakonsulta ka na.
At ang panghuli, iwasan din ang palaging pagkakaroon ng sunburn dahil isa ito sa mga sanhi ng kanser sa balat.