Physical Address
304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124
Physical Address
304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124
Shingles Rash: Bulutong-tubig na parang inanyo guhit na linya sa isang panig ng tagiliran ang kadalasang sintomas ng shingles. Pero noong yong nanay ko ang nagka-shingles, ang mga pantal niya sa balat ay magkahiwalay. Mayroong isang grupo ng pantal na may paltos sa kanyang tiyan at may isa ring grupo ng pantal sa kanyang likod. (Picture sa ibaba)
Subalit ang nirereklamo talaga ng nanay ko ay ang matinding sakit ng kanyang tagiliran. Mahapdi ito na kumakalat sa buong kanang tagiliran. Sani niya, kapag sumasakit yong pantal sa tiyan, tumatakbo ang kirot hanggang sa likod. Pero hindi gaya ng sintomas ng ibang taong may shingles, walang pangangati sa pantal ng aking nanay.
Ang Kadalasang Sintomas ng Shingles ay Pantal na may Matinding Pananakit.
Dr. Jaafar Said
Una, inaakala ng nanay ko na baka sanhi ng pagkadulas niya ang sakit ng kanyang tagiliran. Kasi dalawang araw bago siya nagkaroon ng pantal sa tiyan, nadulas siya sa banyo.
Minsan, iniisip din niya na baka sanhi ng bato sa kidney ang nararamdaman niya. Kasi naman, tatlong beses na siyang na-operahan dahil sa kidney stone. Tapos, sa huling ultrasound niya, mayroon pang 2-3 cm na bato sa kanyang kanan na kidney.
Kaya noong nakita siya ng asawa kong doktor na internist, sinuri niya ng mabuti para masigurado niya na ang kondisyon ng nanay ko ay sanhi ng shingles. Gayon paman, pinalaboratory namin ang nanay ko upang malaman ang totoong diagnosis niya.
Pina-Xray muna namin ang nanay ko para mapanigurado namin na wala siyang pilay sa dibdib nya. Nang sa ganon, hindi na rin niya masisi ang pagkadulas niya. Ngunit noong makita namin ang result niya, pulmonya ang nakita sa Xray. Kaya maliban sa gamot sa shingles, binigyan din siya ng antibiotics.
Pinalaboratory din namin ang dugo niya kasama ang creatinine para malaman ang kondisyon ng kidney niya. Kaya nong makita namin ang creatinine na normal, mas naging kampante kami sa kalusugan niya. Hindi pilay at hindi rin kidney disease ang dahilan ng sakit ng tagiliran niya.
Bago pa namin na-check up ang nanay ko, uminom ang nanay ko ng Tramadol dahil sobrang sakit na raw ang tagiliran niya at hindi siya makatulog sa kirot. Gumamit rin siya ng mga herbal na halaman pampahid at paglalanggas sa mga pantal niya.
Kaya noong nakita na namin siya, niresetahan siya ng asawa ko ng mga sumusunod:
Karaniwang ginagamit Pregabalin na may halong Paracetamol sa mga kirot sanhi ng problema sa ugat (neuropathic pain sa English) tulad ng diabetes at shingles. Ito ang pinili ng asawa kong pain reliever dahil dati na ring nagrereklamo ang nanay ko ng pamamanhid ng kamay at paa.
Ang pregabalin ay epektibo dahil pinapatigil niya ang mga kemikal na dumadaan sa ugat kapag may kirot. Para siyang red light sa traffic light kaya tumitigil ang sakit. Habang ang Paracetamol ay tumutulong sa mga kirot at pamumula ng mga pantal.
Ang Aciclovir ay isang uri ng antiviral na gamot. Ibig sabihin, pinapatay nito ang mga varicella zoster virus na nagsasanhi ng shingles. Gayon paman, hindi talaga pangunahing gamot ang Aciclovir sa Shingles. Pero pinapabilis nito ang paggaling ng pasyente.
Ngunit dapat tandaan na ang sakit dulot ng shingles ay tumatagal ng ilang linggo o buwan, kaya mas madalas na nireresita ang Aciclovir.
Ang hydrocortisone ay isang uri ng steroids. Ginagamit ito pampahid sa mga pantal para mabawasan ang pamamaga at pamumula nito.
Dahil sa matagal na hindi nawawala ang sakit dulot ng shingles, medyo matagal tagal din ang paggamot sa karamdamang ito.
Gamot | Paggamit |
---|---|
Aciclovir 200 mg tab | 5x a day sa loob ng 10 araw. Kailangang inomin bago lumipas ang 4 na oras para maging mabisa ito. |
Pregabalin + Paracetamol | Iniinom ito isang beses sa isang araw hanggang mawala ang kirot. |
Hydrocortisone | Pinapahid ito sa mga pantal 2 to 3x a day hanggang mawala ang pamumula at pamamaga |
Kahit alam mo na ngayon ang gamot sa shingles, kailangan pa rin magpakonsulta sa doktor dahil kailangan ng reseta para makabili ng gamot. Hindi kailangang iadmit ang pasyenteng may shingles pero dapat komunsulta sa doktor kung:
Bago natin alamin ang komplikasyon, tukuyin muna natin ang sanhi nito. Ang shingles ay sanhi ng impeksyon dahil sa Herpes Zoster virus na gaya ng virus na nakakasanhi ng chicken pox sa mga bata. Ito ay nagdudulot ng masasakit na pantal sa tagiliran na natatagpuan sa isang panig ng katawan. Pwedeng matagpuan ito sa tagiliran ng tiyan o dibdib, at minsan ay sa mukha o leeg.
Ang mga pantal na may likido ay pwedeng mawala sa loob ng 2 hanggang 6 na linggo, pero pwede pang manatili ang kirot ng ilang buwan. Tinatawag itong postherpetic neuralgia, isa sa mga madalas na komplikasyon ng shingles.
Minsan, ang pantal ng pasyenteng nagkakaroon ng shingles ay natatagpuan malapit sa mata. Kaya nakakasanhi ito ng temporary o permanenteng pinsala sa mata.
Warning: Hayon sa Centers for Disease control and Prevention, hindi nakakahawa ang Shingles pero pwedeng magkaroon ng chicken pox ang taong hindi nakaranas ng chicken pox kapag lumalapit sa taong may Shingles.