Physical Address
304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124
Physical Address
304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124
Walang batang hindi dumadaan sa pagtatae o diarrhea, sure yan! Sabi kasi ng mga matatanda, tinutubuan sila ng ngipin kaya nagtatae. Pero kung iisipin mo, ang layo ng ngipin sa pagtatae. Pero bilang isang doktor, gusto ko i-challenge ang myth na ito.
Kung iisipin mo rin naman kasi, kung hindi mapakali ang isang bata sa pagtutubo ng kanyang ngipin, kinakagat niya ang kanyang mga kamay. Kaya kung marumi ang kamay nya, posibleng makalunok ng marumi na pwedeng makasanhi ng pagtatae.
Walang connection ang pagtatae sa pag-ngingipin.
Dr. Jaafar Said
Kaya nagresearch ako. Hayon sa nabasa ko, sinasabi nila na wala talagang connection ang pagtatae sa pag-ngingipin. So ano ba talaga dahilan ng pagtatae?
Ngayong 2024, may 3 akong anak, isang 6 months old, 1+ year old, at 3 years old. Lahat sila nakaranas ng pagtatae.
Yong pangalawa kong anak, mahilig sumubo ng kahit ano ano. Gusto niya yata kainin o tikman ang lahat ng nakikita niya. Habang yong panganay ko naman, medyo may kaartehan.
Tanong, sino sa palagay mo ang mas madaling magkaroon ng pagtatae? Ang pangalawa, diba? Kasi siya ang mahilig sumubok ng ano-ano.
Kaya sinasabi ng WHO na dapat panatiliing malinis ang katawan, tubig, at pagkain ng bata. Sa paraang ito, maiwawasan ang pagtatae na sanhi iba’t ibang klaseng mikrobyo tulad ng virus (Rotavirus), bacteria (E. coli), parasites (Ascaris lumbricoides) o fungi (tulad ng may Candidiasis).
Yon nga, dahil sa mahilig ang pangalawa kong anak sumubo ng kahit ano (tulad ng laruan at mga kagamitan sa bahay), mas madalas siyang nagtatae. Minsan, may sintomas din siyang pagsusuka, lagnat, o sakit ng tiyan. Ito yong mga karaniwang sintomas ng acute gastroenteritis.
Familiar kami sa kondisyon ng aming mga anak dahil doktor kaming mag-asawa. Gayunpaman, tinatanong pa rin namin ang kamag-anak naming mas eksperto para sa wastong gamutan. Kaya heto ang mga gamot sa pagtatae sabi ng pinsan kong pediatrician:
Note: Pwede rin ang mga alternatibo ng ORS tulad ng Pedialyte at Vivalyte.
Sinusunod ko ang guideline na ito kapag pina-inom ko ng Racecadotril ang mga anak ko.
Edad at Timbang | Dami ng Racecadotril (3x a day) |
3 months old pataas pero hindi umabot ng 9 kg | 10 mg |
Batang may timbang na 9 kg pero hindi umabot ng 13 kg | 20 mg |
Batang 13-27 kg (1 to 3 years old) | 30mg |
Batang mahigit 27kg | 60mg (o dalawang sachet ng 30 mg) |
Upang mainom ang Racecadotril powder, tinutunaw ito sa tubig o gatas.
Alam mo ba na 12,500 na bata ang namamatay kada taon sa Pilipinas dahil sa pagtatae? Noong 2020, ang pagtatae ay ang pangatlong dahilan ng pagkamatay ng mga bata sa Pilipinas.
Kaya kung ang anak mo ay may senyales ng dehydration, kumonsulta sa doktor kaagad para maiwasan ang mga komplikasyon.
Heto ang mga senyales ng ng dehyration:
Kaya kung may ganyang sintomas ang anak mo, mas makakabuting pumunta sa doktor. Subalit kung sakaling na-delay ang pagpapakonsulta at nagkaroon ng senyales ng severe dehydration, dalhin agad sa hospital ang bata. Ang mga senyales severe dehydration ay ang sumusunod:
Ang kadalasang dahilan ng pagtatae ng bata ay galing sa mikrobyo gaya ng virus, bacteria, parasite o fungi. Kung makaranas ang iyong anak ng pagtatae, ipainom ito ng mga gamot sa pagtatae tulad ng ORS, Racecadotril, Zinc o Erceflora. Kung may senyales ng dehydration, magpakonsulta agad sa doctor para masigurado ang kalusugan ng iyong anak. Wag hintayin magkaroon ng severe dehydration dahil delikado ang mga komplikasyon nito.