Physical Address

304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124

doktor ako

Gamot ko Simula Noong Taon 2006 sa Sipon kong Hindi Nawawala

Simula noong taong 2006, niresetahan ako ng allergist/immunologist ng 3 gamot laban sa sipon kong pabalik-balik at hindi nawawala. Ito ay ang Fluticasone nasal spray, Saline nasal spray at Cetrizine tablet. Sabi niya allergic rhinitis daw ang kondisyon ko.

Paano Nagsimula ang Sipon ko?

Ang Allergic Rhinitis ko ay pabalik-balik at hindi nawawala kapag may gatilyo.

Dr. Jaafar Said

Isang gabi habang nagbabasa ako noong estudyante pa ako sa college, bigla nalang tumulo yong sipon ko na parang tubig. Hindi ito malagkit at wala itong kulay. Akala ko, nagkasipon ako sanhi ng impeksyon ng virus (yong tinatawag na flu) kaya pinabayaan ko lang muna ito. 

Pero noong napansin ko na nagkakasipon lang ako habang nagbabasa, at ito ay pabalik balik at hindi nawawala, naisip ko na baka hindi na ito ordinaryong sipon. Pero dahil isa lang akong estudyante sa oras na yon, hindi pa ako nagpakonsulta sa doktor.

Pagkalipas ng ilang araw, lumala na ang sintomas ko. Ngayon, nararanasan ko na ring magkasipon tuwing umaga lalong na kapag malamig ang panahon. Tapos, mas pabalik balik ito kapag ako ay nasa lugar na may maraming alikabok. Halimbawa, tuwing nagwawalis o naglilinis ako, tumutulo na agad ang sipon ko. Hindi ito nawawala hanggang sa hindi ako umalis sa lugar na pinaglilinisan.

Pero ganon din kung hindi malinis ang paligid ko.  Dahil kapag maalikabok ang lugar, siguradong magkakasipon din ako. At hindi lang yan ang mga gatilyo ng aking sipon, dahil sinisipon din ako kapag may mga bagay bagay na may matapang at malansang amoy tulad ng bagoong o bagong plastic.

Subalit hindi lang sipon ang aking nararamdaman. Simula noong nagsimula allergic rhinitis ko, madalas akong nagpapahing, nagkakakulangot, at palaging makati at barado ang ilong ko.

Una, gumamit ako ng over-the-counter na gamot tulad ng Neozep pero hindi pa rin mawala ang sipon ko. At nang dahil dito, nagpakonsulta na ako sa isang doktor.

Gamot sa Allergic Rhinitis

Dalawang nasal spray at isang tablet ang nireseta sa akin ng doktor. Tandang tanda ko ang aking mga gamot dahil nagagamit ko ito mula noong estudyante ako hanggang ngayong doktor na ako.

Fluticasone (Avamys) nasal spray. 

Makakabili ka lang ng Fluticasone kung may reseta ka galing sa doktor. Ang gamot na ito ay isang mabisang cortecosteroid (uri ng steroid) laban sa allergic rhinitis. Tulad ng natural na steroid sa katawan, pinapababa nito ang lakas ng immune system.

Dahil ang mga sintomas ng allergic rhinitis ay sanhi ng sobrang paggamit ng immune system laban sa mga gatilyo tulad ng alikabok, bulaklak, o lamig, epektibo ang steroid laban dito. Subalit kapag mali ang paggamit nito, posibleng makaramdam ng maraming side effects.

Kung resetahan ka ng doktor ng Fluticasone, tandaan na mas mabuting gamitin ito sa pareho-parehong oras. Halimbawa, kung gagamitin mo ito sa umaga, sa umaga ka lang gumamit. Tapos, mag-spray ka lang ng 2 dose kada butas ng ilong hanggang sa makayanan ang mas maliit na dosage (1 spray). Ibig sabihin, kung mabawasan ang mga sintomas gamit ang 2 spray, gawing 1 spray nalang.

Saline Solution Spray (Salinase)

Tubig na hinaluan ng asin ang laman ng salt solution spray, kaya pwede rin gumawa ng sarili mong salt solution sa bahay bilang home remedy. Magpakulo lang ng 2 baso ng tubig, palamigin at haloan ng isang kutsaritang asin.

Hayon sa aral nila Karen Head, ang saline solution ay nakakatulong sa pagbawas ng lala ng mga sintomas ng sipon sanhi ng allergic rhinitis sa loob ng 3 buwan. Mabisa ang salt solution sa lahat ng mga bata at matatanda at wala itong side effects. Nakakatulong ito sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga sipon na nakapundo sa ilong, pagbawas ng pamamaga at baradong ilong, at pagtanggal ng allergens na nakadikit sa ilong.

Cetirizine tablet

Ang Cetirizine ay isang over-the-counter na antihistamine na ginagamit sa ibat ibang klaseng allergy tulad ng pangangati ng balat. Tumutulong din ito sa pagbawas ng mga sintomas ng karaniwang sipon (common cold) at allergic rhinitis.

Isang hakahaka lamang na ang cetirizine ay nakakasira ng kidney. Sa aral nga nila Ciprandi, ang mga batang uminom ng cetirizine sa loob ng 3 taon ay mas nakakaiwas ng bagong allergy.

Gamot sa Allergic RhinitisPaggamit
Fluticasone Nasal Spray2 sprays kada butas ng ilong, isang beses sa isang araw, hanggang mawala ang mga sintomas
Saline Spray2 to 3 sprays kada butas ng ilong, 3 to 5 beses sa isang araw. Pwedeng gamitin anytime dahil walang side effect.
Cetirizine tablet1 tablet sa isang araw. Gamitin hanggang mawala ang sipon.
Gamot ko sa Allergic Rhinitis

Gayon paman, ang cetirizine ay bawal sa taong may sira sa kidney tulad ng mga nagpapa-dialysis dahil ito ay lumalabas sa pamamagitan ng ating ihi. Kaya kung sira ang kidney, hindi rin makakalabas ng maayos ang cetirizine sa katawan.

Kaibahan ng Karaniwang Sipon sa Allergic Rhinitis

Lahat ng tao ay nagkakasipon. Pero ako na may allergic rhinitis na may pabalik-balik na sipon, alam ko kung ang sipon ko ay dulot ng rhinitis o dulot ng flu. 

Sabi ko nga kanina, parang tubig ang sipon ko kapag rhinitis. Lagi rin ako napapahing at nawawala lang ito kapag maiwasan ko ang mga bawal sa akin. Pero kapag may common colds ako, ang sipon ko ay kulay dillaw at may iba pa akong nararamdaman tulad ng sakit ng ulo, ubo, lagnat, sakit ng lalamunan, at sakit ng katawan.

Tapos, iba rin ang iniinom kong gamot kapag flu ang sanhi ng sipon ko.

One comment

  1. Thanks for this blog doc! It’s such a relief knowing I’m not the only one suffering from allergic rhinitis. Lol I’ve been too dependent with antihistamines & nasal sprays to the point where the more I use it, the more it gets worse. Huhu Looking forward to reading something about how to boost immune system next time. Thank you.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *