Physical Address

304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124

Colon Cancer: Sanhi, Sintomas, at Lunas

Tumawag ang tito ng biyenan ko para ikonsulta niya sa asawa kong doktor ang kanyang kondisyon. Tatawagin ko siya dito na si lolo B. Nalaman namin na mayroon pala siyang colon cancer (o colorectal cancer kapag apektado ang rectum).

50+ years old pa si lolo B at ang sintomas lang niya bago siya pumunta sa enterologist ay ang pagdudumi na parang may dugo. Una inaakala namin na almoranas lang ang problema niya pero noong pinaliwanag niya na hindi kasing-pula ng dugo ang dumi niya, inisip naman namin na baka ulcer ang nararamdaman niya. Mahilig si lolo B magkape ng limang beses sa isang araw kaya baka nasobrahan siya ng acid kaya nagka-ulcer.

Pero pagkatapos ng colonoscopy, nalaman namin na may bukol sa kanyang colon. Pagkatapos, nalaman sa biopsy na isa palang adenocarcinoma ang kanyang bukol sa bituka. Pina-CT scan din siya para malaman kung kumalat ang cancer sa ibang parte ng katawan. At doon nalaman na may bukol din sa kanyang atay. 

Kaya ngayon, gusto ko italakay ang tungkol sa kanser sa colon. Ipapaliwanag ko ang mga sintomas nito, paano ito maiwasan, at ang ibat ibang uri ng paggamot sa colorectal cancer.

Paano Nangyayari ang Colon Cancer ?

Kapag ang cells sa colon ay sobrang dumadami, nagiging cancer cells ito. Pero bago maging kanser, nagiging colon polyps muna ito. Pagkalipas ng ilang taon (10 years), nagiging colon cancer ang polyps. 

Hindi alam kung bakit nagiging colon cancer ang mga polyps pero natuklasan na ang mga risk factors ng colon cancer ay siyang posibleng dahilan kung bakit nagkakanser ang isang tao. Ibig sabihin, mas madalas magkaroon ng colon cancer ang mga taong maraming risk factors.

Paano Maiiwasan ang Colon Cancer?

Kapag mas maagang malaman ang colon cancer, mas madali itong lunasan at mas malaki ang chance ng survival rate.

Dr. Jaafar Said

Bago ang lahat, alamin muna natin ang mga risk factors tulad ng:

  • Edad 50 taon pataas
  • May colon polyps
  • May kamag-anak na may colon cancer
  • Low-fiber at high-fat na mga pagkain tulad ng red meat
  • Walang exercise
  • Diabetes
  • Mataba
  • Sigarilyo
  • Alak
  • Lalaki (Mas madalas magkaroon ng colon cancer ang mga lalaki kompara sa mga babae)

Kaya para makaiwas sa colon cancer, iwasan ang mga pwedeng iwasang risk factors tulad ng alak, sigarilyo, at iba pa. Para sa mga taong marami ang risk factors, mas mainam na gawin ang mga screening tulad ng regular colonoscopy. Pero kung hindi kaya ang colonoscopy, at least man lang ay gawin ang Fecal Occult Blood Test (FOBT).  Ang FOBT ay mura at kadalasang available sa mga hospital sa Pilipinas.

Sintomos ng colon Cancer

Kadalasang walang sintomas ang colorectal cancer. At kung mayron man, pareho lang ang sintomas ng colon cancer sa babae at lalaki. Ang mga karaniwang sintomas ng colorectal cancer ay ang madalas na LBM, constipation, dugo sa pagdumi, butod o sakit ng tiyan, walang lakas, at pagbabawas ng timbang.

Tulad ng reklamo ni lolo B, minsan nag-iiba ang kulay ng dumi ng may colon cancer. Ang kadalasang kulay ng dumi ng may colon cancer ay itim, dark brown, o maroon. Ito ay nakadepende sa dami ng dugo at layo ng colon cancer sa butas ng puwit.

Samantala, ang kadalasang itsura ng dumi ng may colon cancer ay maliit at manipis dahil sa pagbabarado ng colon sanhi ng bukol.

Gamot sa Colon Cancer

Kapag maaga pa ang colon cancer, pwedeng gawin ng enterologist ang polypectomy o endoscopic resection para tanggalin ang polyps. Subalit kapag late na ang colon cancer, pwedeng gawin ng surgeon ang colectomy o colostomy.

Ang ginagawa sa colectomy ay pinuputol ang bituka na may colon cancer tapos pinagsasama ulit ang putol na bituka. Samantala, ang ginagawa sa colostomy ay nilalabas ang pinutol na bituka sa tiyan para hintaying gumaling ang opera at doon din lalabas ang dumi. 

Minsan, nagbibigay ang mga doktor ng gamot para sa chemotherapy. Ito yong mga gamot na pumapatay sa mga cancer cells. Minsan dinadagdag din ang radiotherapy sa chemotherapy gamit ang malakas na radiation tulad ng X-ray para patayin ang mga selula ng kanser.

Depende sa doktor, may mga gamot din na tinatawag na immunotherapy at targeted therapy. Ang immunotherapy ay ang mga gamot na nagpapalakas ng immune system para patayin ang cancer habang ang targeted therapy ay ang paggamit ng mga gamot para pigilan ang pagtubo ng cancer.

Ngunit kapag kumalat na ang colon cancer, pwedeng hindi ito malunasan ng opera o iba pang gamot kaya binibigyan nalang ang pasyente ng gamot para sa mga sintomas ng cancer tulad gamot sa sakit ng tiyan at iba pa. Ang gamotang ito ay tinatawag na palliative care.

Stages at Survival ng may Colon Cancer

StagePaglalarawan5-Years Survival Rate
0Polyps lang
1Nasa ibabaw ng bituka ang colon cancer
2Nasa kalamnam ng bituka ang colon cancer90%
3May apekatdong lymph nodes73%
4May apektadong ibang organ tulad ng atay at baga14-17%
Overall63%
Stages ng Colon Cancer

Ibig sabihin, sa mga taong may stage 4 cancer may 17 taong mabubuhay sa 100 na pasyente sa loob ng limang taon. Kaya kung gusto ng pasyenteng mas humaba ang kanyang buhay, sundin ang payo ng doktor at iwasan ang mga risk factors.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *