Physical Address

304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124

anak ko noong 3 months old

Bilang Isang Doktor, Ano Ginawa ko sa Anak kong Nagsusuka?

Bilang isang doktor, napakadaling sabihin na kapag nagsusuka ang anak mo, magbigay ng “small but frequent feeding.” Yan yong pinapayo namin na magbigay ng kunting pagkain, gatas, o likido kada 5 to 15 minutes. Pero noong yong anak kong almost 6-months old ang nagsusuka, nagtatae, at nilalagnat, naintidihan ko na kung gaano kahirap gawin ang practice na ito.

Sa una, pagtatae at lagnat lang ang sintomas ng anak ko. Ngunit pagkalipas ng dalawang araw (2 days), nagsimula na siyang magsuka. Sabi ng katulong ko, posibleng umabot ng walong beses (8x) sa isang araw ang pagsusuka.

Ihanda mo ang sarili mo para sa pagbigay ng small but frequent feeding ni baby”

Dr. Jaafar Said

Sa pagsusuka na nagsimula ang sakit ng ulo ko. Dahil kung hindi makayanan ng anak ko ang pagdedede, ipapa-admit ko na siya. Kaya, ni-ready namin ng asawa ko ang katawan namin sa pagpupuyat para sa “small but frequent feeding” o admission kung mag-fail ito.

Dahil ang anak ko ay wala pang 6 na buwan, nakakaubos siya ng 4-5 ouces na gatas sa normal feeding. Pero ngayong hindi maganda pakiramdam nya, sinusuka lang niya ang dinedede niya. Kaya sinubukan ko muna magpadede ng 1/2 ounce, tapos after 15 minutes, pinadede ko ulit ng isa pang 1/2 ounce. Inuulit-ulit ko lang ito hanggang nakaubos ang anak ko ng 5 ounces sa loob ng tatlong oras.

Challenge sa Small but Frequent Feeding

Ang problema sa “small but frequent feeding” ay ang pag-iyak ng bata. Sa oras na tanggalin ko ang dinedede niya, umiiyak agad ang anak ko dahil uhaw at gutom. Bilang isang magulang, kailangan kong tiisin ang pag-iiyak ng anak ko. Dahil kung busugin ko agad ang anak ko, isusuka lang niya lahat ng dinede niya. At kapag hindi tumigil sa pagsusuka, mas lalong madedehydrate ang anak ko.

Ang layunin ko sa “small but frequent feeding” ay makadede ang anak ko hanggang mabusog siya na walang pasusuka. Upang mangyari ito, kailangan kong maghintay ng ilang minuto para ma-absorb ng bituka niya ang unang dinede niya, bago magpadede ulit. 

Gamot sa Pagsusuka ng Bata

Ang mga sumusunod ay ang mga supplements at gamot sa pagsusuka ng bata na available sa Pilipinas.

  • ORS (e.g. Hydrite) or Pediatric Juice (e.g. Pedialyte)
  • Domperidone (e.g. Vometa)
  • Metoclopramide

Pero base sa Medicines for Children, kung kailangan talaga ng Domperidone dahil mahirap icontrol ang pagsusuka, sundin lang ang dosage na payo ng doktor. Dahil ang mga doktor ang nagbibilang ng dami ng pwedeng inomin ng bata.

Kung gusto mong ipainom ng Domperidone ang anak mo, ibigay ito bago dumede o kumain. Tapos maghintay ng at least 4 oras bago ipainom ulit. Wag mag-overdose dahil posibleng makasanhi ito ng heart problem.

Kaya para sa akin bilang isang doktor, habang kaya ng anak mong dumede ng gatas o ORS, iwasang bigyan ang iyong anak ng gamot sa pagsusuka.

Paano Naman ang ORS?

Ang ORS ay isang powder na hinahalo sa tubig upang inomin ng pasyenteng nagsusuka para sa rehydration. Ito ay may sugar na siyang nagbibigay lakas ng katawan at electrolytes na siyang pumapalit sa mga acid at potassium na nawala dahil sa pagsusuka. 

Ang mga alternatibo ng ORS ay ang Pediatric juices tulad ng Pedialyte at Vivalyte. Ready to drink lang ito at mas pinasarap. Ito rin yon mga inomin na ginagamit sa pagtatae para maiwasan ang dehydration.

 

Ang isa pang importanteng prinsipyo sa pag-inom ng ORS ay ang “ibalik kung ano ang nawawala.” Ibig sabihin, kung nagsuka ang anak mo ng 100 ml, magbigay ka ng total of 100 ml ORS din (25 ml ORS kada 5 to 15 minutes). Subalit ginagawa lang ito sa mga batang kayang uminom na walang senyales ng dehydration. 

Basahin ang Dehydration dito

Dahil kung may senyales ng dehydration ang anak mo, kailangan mong magpakita sa isang doktor para masigurado ang kondisyon ng bata.

Kung walang DehydrationKung may Dehydration
Ipainom kung ano ang kayang inomin ng bataHumingi ng medikal na payo sa isang doktor
Kaibahan ng Pag-inom ng ORS base sa Dehydraion Level

Pagkonsulta sa Doktor

Ang rason sa pagkokonsulta ay para malaman ang posibleng dahilan ng pagsusuka, ma-assess ang level ng dehydration, at maibigay ang tamang lunas. Kaya magpakonsulta kung:

  • Hindi nawawala at madalas na pagsusuka
  • May ilang senyales ng dehydation (tulad ng tuyong labi, lubog na mata)
  • Malayo ang hospital sa tinitirahan.

Subalit kailangan ng dalhin sa hospital para iadmit ang bata kung:

  • Hindi na kayang uminom ng bata
  • May sintomas ng electrolyte imbalances (paghihina ng katawan)
  • May isa sa mga senyales ng Severe Dehydration (malamig na katawan, pagkawala ng malay)
  • Lumalaki ang Tiyan
  • Nahihirapan huminga
  • Kung may iba pang karamdaman ang bata tulad ng pneumonia

Conclusion

Tatlo lang ang gusto kong tandaan mo sa article na ito. Una, kapag nagsusuka ang anak mo, gawin ang small but frequent feeding. Pangalawa, wag ng bigyan ng gamot sa pasusuka kung kaya ng bata uminom. At panghuli, pumunta sa doktor kung may senyales ng dehydration.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *