Physical Address

304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124

Bakit hindi na niraspa noong nakunan ang asawa kong doktor?

Sa pangalawang pagbubuntis ng asawa ko, siya ay nakunan pero hindi niraspa dahil wala na siyang sintomas pagkatapos malaglag ang aming baby. Pero bago siya nakunan, nakakaramdaman siya ng paninigas at pananakit ng tiyan. Pumunta kami sa OB-Gyne at pinayuan siya ng “total bed rest” at niresetahan ng pampakapit.

Kinaumagahan, sumakit ulit ang tiyan niya at nakaramdam siya na parang makakapagdumi. Ngunit noong pagpasok niya sa banyo, hindi pala siya makakapagdumi, nakukunan na pala siya. Naglaglag sa kanya ang dugong may laman na parang naka-selopin. Pagkatapos, patuloy tuloy na ang kanyang pagdurugo hanggang sa 3 araw na parang normal na regla.

Kaya ngayon, ipapaliwanag ko kung bakit nakukunan ang isang buntis. Paano ba ito iwasan at ano ang mga dapat gawin kapag ang babae ay makukunan. Ipapaliwanag ko rin kung ano ang posibleng komplikasyon nito lalong na sa babaeng nakunan pero hindi niraspa kahit kinakailangan.

Miscarriage

Ang medical na tawag kapag nakukunan ang buntis ay miscarriage, pero mas sikat ito sa English na abortion. Ito ay nangyayari sa loob ng dalawang pong linggo (20 weeks) ng pagbubuntis. Maraming posibleng dahilan kung bakit nakukunan ang isang babae ngunit pinaka-karaniwang dahilan ay kapag may mali sa genes ng baby. Kaya kapag may sira sa genes, nagkakaproblema sa paglaki ng bata na siyang nagdudulot ng pagkalaglag ng baby.

May iba’t ibang uri ang miscarriage. Una ay yong missed miscarriage, ito ay nangyayari kapag ang babae ay namatayan ng baby sa matres na hindi niya namamalayan dahil wala siyang mga sintomas. Nalalaman lang ng nanay na walang heart beat ang kanyang baby pagkatapos magpa-ultrasound.

Ang pangalawang uri ay ang threatened miscarriage. Tulad ng asawa ko bago nalaglag ang aming baby, ang una niyang kodisyon ay threatened miscarriage. Ibig sabihin, nakakaraman ang ina ng mga sintomas tulad ng pananakit at paninigas ng tiyan pero nakakapit pa rin ang baby. 

Kapag nalaglag ang baby, pwedeng incomplete o kaya ay complete miscarriage ang mangyayari. Incomplete miscarriage kapag may natitira pang laman sa matres ng babae at complete kapag lahat nalalag ang laman sa matres.

Ang iba’t ibang uri ng miscarriage ay kailangang malaman dahil magkakaiba ang payo at gamot na binibigay ng doktor depende sa uri ng miscarriage.

Bakit Nakukunan ang Babae?

Sadyang nangyayari talaga na makunan ang buntis kapag may problema ang baby. Hayon sa aral nila Alves, kapag nakukunan ang babae sa loob ng 6-10 weeks ng pagbubuntis, ang kadalasang sanhi ay ang problema sa genes ng baby. Subalit pinaliwanag din nila kung sino-sino ang mga babaeng madaling magkaroon ng ganitong problema. Ilan dito ay ang mga sumusunod:

  • Kapag ang nanay ay higit 45 years old
  • Kapag dating nakunan ang babae sa mga una niyang pagbubuntis. Halimbawa, kung nakunan ka ng isang beses, may 20% chance na makukunan ka ulit. Tapos kapag nakunan ka ng 3 beses, may 43% chance na makunan ka ulit.
  • Kapag may regla habang buntis
  • Kapag may karamdaman ang nanay ng bata tulad ng diabetes at thyroid disease
  • Kapag nagka-impeksyon ang nanay tulad ng Syphilis
  • Kapag may problema sa matres tulad ng myoma
  • Kapag may IUD
  • Kapag may droga
  • Kapag sobrang umiinom ng alak at kape
  • Kapag naninigarilyo

Hindi dahilan ang stress kung bakit nakukunan ang isang babae.

Dr. Jaafar Said

Ngunit walang pag-aaral na nagpapatunay na ang stress, pag-eehersiyo, at pagtatalik ay nakakadulot ng pagkalaglag ng baby. Samantala, may aral sila Allsop na isa sa sanhi ng pagkalaglag ng baby ay kapag hindi satisfied ang mag-asawa sa kanilang sex life.

Tama man ang mga aral ito o hindi, mas mainam paring umiwas sa stress at gawing satisfactory ang sex life. 

Ano ang Dapat Gawin kapag Nakukunan?

Ang mga dapat gawin kapag nakunan ang buntis ay depende pa rin sa anong klaseng miscarriage ang mayron ang isang babae. Halimbawa, kapag may missed miscarriage, kadalasang pinapayo ng OB-Gyne na hintaying lumabas ang baby. At sa araw na makunan na ang babae, tinitingnan ng doctor kung may natitirang laman sa kanyang matres.

Uri ng MiscarriageGagawin
MissedHihintayin lumabas
CompleteWala
IncompleteRaspa o Misoprostol
ThreatenedBibigyan ng pampakapit

Kung makita sa ultrasound na walang naiwan sa matres, hindi na kailangang iraspa ang babae dahil complete miscarriage ang nangyari. Pero kapag may incomplete miscarriage, kailangang iraspa ang babae dahil nakakadulot ito ng matinding pagdurugo. 

Samantala, kapag may threatened miscarriage, binibigyan ang nanay ng pampakapit tulad ng Heragest (progesterone) at pinayuan din siyang magpahinga (bed rest).

Pampakapit para hindi Makunan

Isa sa mga posibleng dahilan kung bakit nakukunan ang isang pasyente ay dahil sa mababang progesterone sa katawan.

Ang progesterone ay isang importanteng hormone na tumutulong magpakapit ng baby sa matres ng nanay. Pinapakapal nito ang matres para mas lumakas ang kapit ng baby, pinaparelax nito ang matres para hindi malaglag ang baby, at tumutulong ito sa paggawa ng placenta para maging malusog ang baby.

Isa sa pinakasikat na nirereseta ng mga doktor sa Pilipinas na progesterone ay ang Heragest.

Gamot pagkatapos makunan

Kapag makita ng OB-Gyne na may incomplete miscarriage, pinapayuan ang pasyenteng magparaspa para maiwasan ang matinding pagdurugo. Kapag mayron kasing naiiwang laman ng fetus sa matres, nilalabas ito ng katawan sa pamamagitan ng pagdurugo. Ibig sabihin, kung hindi mawala ang natitirang laman, hindi rin mawawala ang bleeding.

Pagkatapos raspahan, binibigyan ng doctor ang pasyente ng gamot (tulad ng misoprostol) para ilabas ang iba pang naiiwang laman. Ito pampanigurado na maging kompleto ang miscarriage at nang sa ganon ay hindi na magkaroon ng sintomas ang babae.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *