Physical Address

304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124

Mga Natutunan ko sa Dentist Pagkatapos ko Mabunutan

Mahigit sampong taon na na may sira sa molar tooth ko sa bandang kanan. Iniinoman ko lang ng gamot sa sakit ng ngipin kung sumasakit ito. Matagal ko na rin pinagplanuhan na ipabunot ito pero hindi ko pa rin nagagawa dahil natatakot ako sa anesthesia. Pero dahil nabiyak ang sira kong ngipin pagkatapos kong kumagat ng matigas na pagkain, napagdesisyon ko nang magpabunot ng ngipin. Wala na akong ibang magawa dahil kumakawag na isang parte ng ngipin ko. Kailangan ko ng harapin ang kinatatakotan kong karayum at anesthesia.

Hindi naman pala masakit ang injection, pero pagkatapos kong mabuntan ng ngipin hindi ako komportable sa pagdurugo at kunting kirot. Kaya naman binasa ko ulit ang listahan na binigay ng dentist para sa mga bawal sa akin. Ipapaliwanag ko rin kung bakit ito mga bawal, at magbibigay rin ako ng karagdagang payo .

Mga Bawal: Advice to do and not to do!

Ang mga sumusuniod ay bawal sa taong bagong nagpabunot:

Lahat ng Mainit na Pagkain (Any Hot Food)

Pwedeng matunaw ng maiinit na pagkain ang naninigas na dugo sa gums na tumutulong para hindi magdurugo ang sugat.

Any salty foods

Ang asin sa pagkain ay pwedeng makasanhi ng kirot lalong lalo na sa unang 24 oras. Kaya iwasan muna ito hanggang sa nakakaya.

Kumalagkag ng tubig

Kapag lagi kang kumakalagkag ng tubig, posibleng matanggal ang tumutigas na dugo sa gums. Kapag natatanggal ang tumigas na dugo, nagdudulot ito ng dry socket na nakakasanhi ng matanggal na paggaling ng sugat sa bunot.

Ang kemikal sa sigarilyo ay nakakadisturbo sa mga natural na gamotan ng katawan.

Dr. Jaafar Said

Gawaing Bahay

Tulad ng pagbubuhat ng mabigat kahit isang galloon at paglalaba, dapat iwasan lahat ng mabibigat na trabaho dahil nakakataas ito ng blood pressure na siyang nakakadulot ng pagdudurugo.

Paninigarilyo

Maraming pag-aaral na ang paninigarilyo ay nakakadulot ng matagal na paggaling ng sugat sa pagbubunot. Dahil ang kemikal sa sigarilyo ay nakakadisturbo sa mga natural na gamotan ng katawan sa mga sugat.

Exercise

Iwasan ang lahat ng laro at ehersiyo na nakakapagpataas ng blood pressure tulad ng Paglalaro ng basketball, soccer, at badminton. Ganon din ang long distance walking, pag-jogging, pagtatalon, pagtakbo, at kahit pakikipaglaro sa wata. Gawin lang ang mga ito pagkalipas ng 24-48 na oras.

Pagpapanday

Tulad ng mga gawaing bahay, iwasan ang mga trabahong nakakapagod dahil nakakataas din ito ng blood pressure.

Wag hawakan o dilaan ang binunutan

Para maiwasan ang impeksyon, iwasan ang paghawak ng dila at kamay sa sugat ng binunutan. Iwasan din ito para maiwasang matanggal ang naninigas na dugo sa gums.

Mga Dapat Gawin

Panatiliin ang bulak na pinapakagat ng denstist para maiwasan ang malalang pagdurugo.

Kumain ng pagkain na hindi kinakailangan ang maraming pangunguya. Kaya mas nakakabuting umiwas muna ng karne at manok.

Magtoothbrush at gumamit ng tubig na may asin panbanlaw pagkatapos ng 24 oras. Gawin ito ng manumanay para hindi madisturbo ang healing process ng binunutan.

Gumamit ng ice pack sa unang 24 oras para maiwasan ang pamamaga.

Inomin ang mga niresetang gamot tulad ng antibiotic at pain reliever.

Mga Taong Bawal Magpabunot

Base sa aral na ito, ito ang mga bawal magpabunot:

  1. Mga pasyenteng may malubhang karamdaman
  2. Mga pasyenteng posibleng ma-stroke tulad ng taong may mataas na BP at dating inatake ng stroke (transient ischaemic attacks).
  3. Taong nagseseizure dahil sa epilepsy
  4. Taong may sakit sa puso tulad ng ischaemic heart disease, infective endocarditis, hypertension, at problema sa pagpitik ng puso. Base sa aral na ito, ang pasyenteng may BP na 180/110 ay bawal magpabunot.
  5. Taong may malalang sakit sa kidney
  6. Taong may mababang immune system
Bawal MabunutanPwedeng Bunutan
May BP na 180/110 o pataasMay BP na mababa sa 180/110
May malubhang sakitlahat ng malusug na tao kasali ang buntis, nanay o bagong nanganak

Note: pwede magpabunot ng ngipin ang buntis, ang mga nanay na nag-breastfeeding, ang mga babaeng may regla (menstruation), at mga nanay na katatapos lang manganak (normal man o CS). Kaya kung malusog ang isang tao, okay lang magpabunot.

Mga posibleng Mangyayari Pagkatapos Magpabunot

  • Kirot: Ang sakit na nararamdaman pagkatapos magpabunot ay kayang kayang gamotin ng Paracetamol at Ibuprofen. Mas epektibo ang gamotan kapag pinagsabay ang dalawang gamot. Nawawala rin ang kirot sa loob ng 3-7 araw.
  • Hindi maayos na pagsasalita: ito ang karaniwang epekto ng pagbubunot ayon sa mga pag-aaral.
  • Hindi makatulog ng maayos: May mga pasyenteng nakakaranas ng hindi magandang tulog dahil sa kirot.
  • Naiiba ang mukha: Nangyayari ito lalong lalo na kung ang pangatlong molar ang binunot na ngipin.

Alam mo ba?

Alam mo bang 50% ng mga lalaking binunutan ay hindi nakakapagtrabaho pagkatapos mabunutan ng ngipin? Samantalang 25% lang sa mga babae ang hindi nakakapagtrabaho.

Alam mo ba na halos lahat ng nabunutan ay hindi na natatakot  sa pagbubunot ng ngipin. Pero halos kalahati ng nabunutan ay ayaw ng magpabunot ulit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *