Physical Address

304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124

asawa kong doktor

Doktor: Ipapaliwanag ang Pagbubuntis

Pang-limang beses nang pagbubuntis ng asawa ko ngayoon. Pero tatlo pa lang ang anak namin dahil nakunan siya noong pangalawang pagbubuntis niya. Base sa mga experience niya, magkapare-pareho ang kanyang mga sintomas sa pagbubuntis. Gayonpaman, magkaiba parin yong mga sintomas nya sa mga sintomas ng ibang buntis.

Tandang tanda ko pa noong unang nabuntis ang asawa ko. Napa-excited niya kaya hinihintay niya talaga ang isa sa mga unang senyales ng pagbubuntis: ang delay sa regla. Kaya noong na-delay ang kanyang menstruation ng isang lingo, nagpregnancy test siya para malaman niya kung buntis ba siya talaga. Subalit negative ang result niya sa unang test kaya naghintay siya ng isa pang linggo para gawin ang pregnancy test ulit.

Sabi niya, baka “false negative” ang result. Kaya pagkalipas ng isa pang linggong walang regla, nagpatest siya ulit pero negative parin ang result. Sabi ko “Wait lang, hindi naman nakikita ang result agad-agad. Hintayin muna natin ng ilang minute.” Pagkalipas ng dalawang minuto, nakita naming may dalawang guhit sa pregnancy test kit. Buntis ang asawa ko.

Simula noong nalaman niyang buntis siya, dumadami na rin ang reklamo niya sa katawawan niya. Napadalas ang sakit ng katawan niya, pagod, pag-antok at pagtulog, at malakas ang pang-amoy niya. Naalala ko na may isang araw na nagalit siya dahil sa amoy ng perfume ko.

Bakit nga ba nangyayari nangyayari ang sintomas ng buntis? Ano ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga pagbabago sa katawan ng buntis?

Kailan Pwede Mabuntis

Kung ang babae ay may regular menstruation, may isang itlog (egg cell) na lumalaya mula sa ovary buwan-buwan. Kadalasan, lumalaya ang itlog 12-14 days bago ang sunod na regla. Mula sa ovary, bumababa ang egg cell sa matres para humalo sa sperm cell ng lalaki (nanatili ang sperm cells sa loob ng babae sa loob ng 5 araw). Subalit kung walang sperm cells, nabubulok ang egg cell sa loob ng 12-24 hours.  Dahil dito, pwedeng mabuntis ang babae sa 7th hanggang 14th day ng menstrual cycle (12/14th day + 5 days).

Ibig sabihin, kung magtalik ang mag-asawa sa 7th day ng menstrual period, pwedeng mabuntis ang babae pagkatapos ng 5 araw (kung sa 12th day ang paglaya ng egg cell). Pero kung ang egg cell ang lumaya sa ovary sa pang-14th day, pwedeng mabuntis ang babae kung magtalik ang mag-asawa sa 9th hanggang sa 15th day ng menstrual cycle.

Subalit ang paghahalo ng sperm cell at egg cell ay nangyayari sa fallopian tube. Kaya kapag naghalo ang dalawa (fertiled egg), nagsisimula na silang maging bola (zygote)  habang nagbibiyahe papunta sa matres. Habang hindi pa nakakabit ang fertiled egg sa matres, wala pang signs at sintomas ang babae. Hindi rin malalaman kung buntis o hindi ang isang babae.

Kailan malalaman na buntis ang babae

Kung may egg cell sa oras ng pagtatalik ng mag-asawa, pwedeng mag- positive ang pregnancy test pagkalipas ng 10 araw.

Dr. Jaafar Said

Habang nagbibiyahe ang zygote, lumalaki ito at tinatawag na itong blastocyst. Ang blastocyst ay dumidikit at naitatanim sa matres para maging embryo. Pagkatapos, gumagawa ang katawan ng hCG (human chorionic gonadotropin)  para tumulong sa pagkabit ng blastocyst. Marami at mabilis ang paggawa ng hCG kaya naiihi rin ito. Dahil sa hCG, nalalaman kung buntis ang isang babae.

Kadalasan, nagkakaroon ng positive pregnancy test pagkalipas ng 10 araw pagkatapos mabuo ang zygote. Ibig sabihin, kung ang mag-asawa ay nagtalik ngayong araw at nabuo kaagad ang zygote, malalaman na buntis ang babae sa pamamagitan ng pregnancy test pagkalipas ng 10 araw. Kaya pwede pa rin magkaroon ng positive result kahit less than 1 week lang ang delay ng regla.

Nagpapakapit ng Baby sa Matres

Tumutulong din ang hCG sa paggawa ng iba pang hormone (progesterone) para mapanatiling malusog ang matres at para kumapit ng maayos ang  embryo. Samantala, dumadami rin ang estrogen sa katawan para lumaki ang mas lumaki ang embryo.

Dahil sa mga hormones na ito, nagbabago ang katawan ng babae para ihanda sa pagpapalaki ng bata. Ibig sabihin, dito na nagsisimula ang mga sintomas ng pagbubintis at dito rin makikita ang ilan sa mga senyales nito.

Mga Signs at Sintomas ng Early Pregnancy

Ang mga tatlong hormones na nabanggit ko ay ang isa sa mga dahilan ng mga signs at sintomas ng buntis. Pero karamihan sa mga sintomas ay nauugnay sa hCG.

HormoneSignSintomas
hCGPositive Pregnancy TestPagkaumay at pagsusuka
Pagnanasa sa pagkain
Pag-iiba ng mood
Clear o puting discharge
ProgesteronePagod ng katawan
Mas madalas na pagtulog
EstrogenPaglaki ng dede ng babae (pero hindi nababago ang hugis ng tiyan)Sipon
Sobrang sensitibong pang-aamoy.
Signs at Sintomas ng unang mga araw ng pagbubuntis

Mga Dapat Gawin at Iwasan ng Buntis

Habang buntis, maraming ganap ang nangyayari sa katawan. Kaya dapat maingat ang isang nagdadalang tao. Kaya mas makakabuti na magpakonsulta sa OB-Gyne para sa wastong pang-aalaga. Gayonpaman, ito ang mga dapat gawin ng buntis:

  • Uminom ng prenatal vitamins at supplements reseta ng doktor
  • Mag-ingat sa mga gamot tulad ng antibiotics
  • Magpahinga kapag pagod
  • Wag magpa-stress sa pag-iisip
  • Kumain ng maayos (pero wag sobrahan)

Tapos iwasan ang mga sumusunod:

  • Processed meat (hotdog)
  • Sigarilyo
  • Alak
  • Kape
  • Softdrinks
  • Hindi lutong isda o karne (kinilaw)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *