Physical Address

304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124

sintomas ng tumor sa utak

Tumor sa Utak: Senyales at Sintomas, Dahilan, at Gamot

Bumisita kami sa nanay ng best-friend ng asawa ko dahil na-admit daw siya sa hospital. Akala nila, na-stroke ang nanay nila dahil hindi niya magalaw ang kanang bahagi ng katawan niya. Ngunit noong ginawa ang CT-scan imaging, nalaman na may bukol pala sa kanyang utak. Binigyan siya ng gamot pampabawas ng pressure sa utak, at pinayuan mag-paopera para tanggalin ang tumor. 

Kung ikaw ang nasa sitwasyon nila, magpapa-opera ka ba o hindi? Kaya ngayon, ipapaliwanag ko ang tumor ng utak. Kaya malalaman mo dito kung ano ang sanhi, uri, sintomas, at gamot para dito.

Ano ang Tumor sa utak?

Ang tumors sa utak (o brain tumor sa English) ay ang mga bukol na nabubuo sa utak at spinal cord. Pwede ito kusang tumubo sa utak (tinatawag na pangunahing tumor) at pwede rin itong galing sa kanser ng ibang bahagi ng katawan na kumakalat sa utak (metastatic).

Ang kadalasang tumor na nakikita sa mga matatanda ay metastatic, glioblastoma, astrocytoma at oligodendroglioma. Habang ang kadalasang tumor sa utak ng mga bata ay ang astrocytoma, medulloblastoma, at ependymioma.

Samantala, may dalawang ring uri ang tumor sa utak na pwedeng makita sa taong may brain tumor. Una ay ang ordinaryong bukol (benign) at ang pangalawa ay ang malignant na tumor sa utak (kanser).

Senyales at Sintomas

Kapag malignant ang tumor sa utak, mas malala ang mga nararamdaman ng pasyente dahil mas mabilis na lumalaki ang tumor. Pero kapag benign lang ito, posibleng walang sintomas ang pasyente kaya parang normal lang ang taong may brain tumor.

sintomas ng tumor sa utak

Kung sakali man na may nararamdaman ang pasyente, ang mga sintomas ng mga taong may tumor sa utak, base sa aral sa nila de Roxas, ay ang mga sumusunod:

  • Pananakit ng ulo -39.1%
  • Pagkabulol o Nahihirapan magsalita (Dysarthria) – 0.3%
  • focal deficit tulad ng hindi magalaw ang isang bahagi ng katawan – 22.0%
  • Pagkawala ng malay – 0.5%
  • Pangingisay o seizure – 17.4%
  • Mga problema sa paningin – 11.8%
  • Mga problema sa memorya – 2.5%
  • Mga pagbabago sa ugali – 1.7%
  • Hindi maayos na  pandama – 1.9%
  • Hindi matatag na paglakad – 0.3%
  • Pagkawala ng pandinig -2.5%

Kaya base dito, ang karaniwang sintomas at senyales ng tumor sa utak ay ang sakit ng ulo (391 sa 1,000 katao), focal deficit tulad ng hindi magalaw ang isang bahagi ng katawan o pangingiwi ng mukha (220 sa 1,00 katao), at pangingisay (174 sa 1,000 katao).

Sanhi ng Tumor sa Utak

sanhi ng tumor sa utak

Walang research na makakapagsabi ng mga siguradong dahilan kung bakit nangyayari ang bukol sa utak. Pero napapansin ng mga doktor at mag-aaral na ang kadalasang biktima ng brain tumor ay ang mga taong may kapamilya o kamag-anak na may brain tumor din. Kaya isang hypothesis na ang brain tumor ay dulot ng sirang gene na siyang gumagawa ng tumor sa utak at spinal cord.

May isa ring hypothesis na ang brain tumor ay nakukuha sa sobrang paggamit ng X-ray (tulad ng radiation therapy). Sinisira ng radiation ng X-ray ang mga selula at tissue ng utak na siyang nagsisimuno sa pagbuo at paglaki ng bukol sa utak.

Maliban sa gene at radiation, wala pang ibang research na nagpapatunay sa siguradong dahilan kung saan nakukuha ang tumor sa utak. Samantala, ang mga metastatic ay nakukuha galing sa mga cancer ng ibang parte ng katawan tulad ng kanser sa baga, breast cancer, kidney cancer, at skin cancer. Ibig sabihin, kapag may malalang cancer ang isang tao, pwedeng kumalat ang kanser sa utak na siyang nagiging brain tumor.

Gamot sa Brain Tumor

Ang lunas at gamot ay nakadepende sa uri ng tumor sa utak, laki ng tumor, lokasyon ng tumor, at sa kalusugan ng pasyente. 

Karaniwang hindi na bumabalik ang bukol pagkatapos ng operasyon.

Dr. Jaafar Said

Kapag mayroon nang sintomas ang pasyente, kadalasang binibigyan siya ng doktor ng mga gamot na pumuprotekta sa utak laban sa lumalaking tumor. Isa na dito ang Mannitol na nagpapababa ng pressure sa utak at ang Corticosteroids  na bumabawas ng pamamaga sa utak.

Kung ang bukol ay benign (hindi kanser), inooperahan ang pasyente para tanggalin ang bukol sa utak. Pagkatapos, ginagawa ang biopsy at nilalagyan ng tubong gawa sa silicone (shunt) ang loob ng bungo para maipalabas ang sobrang tubig dito. Karaniwan, hindi na bumabalik ang bukol pagkatapos ng operasyon. 

Samantala, kung ang bukol ay malignant (kanser), maaari rin itong gamotin gamit ang ang operasyon. Gayunpaman, ginagawa rin ang ibang klaseng paggamot ng kanser tulad ng radiation therapy, chemotherapy, targeted therapy, o kombinasyon ng mga ito.

Delikado ba ang Bukol sa Utak?

Maraming survivors sa mga pasyenteng may bukol sa utak. Base sa statistics ng mga taong nagkaroon ng ganitong karamdaman, higit sa  87% sa mga taong 40 years old pataas ang nabubuhay ng at least 5 taon. Habang 96% sa mga taong less than 40 years old ay nabubuhay at nakakasurvive.

Ibig sabihin, sa isang daang taong may brain tumors, apat lang ang  namamatay sa loob ng 5 taon.

Edad ng PasyenteDami ng Nakakaligtas
Bata Hanggang 39 Taon96 sa 100 na pasyente
40 years old at Pataas87 sa 100 na pasyente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *