Physical Address
304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124
Physical Address
304 North Cardinal St.
Dorchester Center, MA 02124
Ang goal ko talaga ay magkaroon ng Filipino authority website tungkol sa health. Subalit noong bumagsak ang una kung website, na-disappoint ako ituloy ito.
Pero dahil sa mga nangyayari ngayon sa aking pamilya, na-motivate ako ulit na gumawa ng bagong website. Dahil una, na-admit ang panganay ko dahil sa Tonsillar Abscess. Ilang araw lang paglabas namin sa hospital, na-admit ang pamangkin ko dahil sa Severe Dengue.
Di pa kami nakakalabas sa hospital, sinabihan ako na nagtatae ang pangawala kong anak. Buti nalang, hindi lumalala ang kanyang karamdaman. Pero pagkalipas ng ilang araw, ang bunso naman namin ang nagtatae, nagsusuka, at nilalagnat.
Masakit sa ulo. Nakakapagod. Pero kailangang tiisin. Kaya napaisip ako na posibleng maraming Filipino na tulad ko ang nahihirapan dahil sa iba’t ibang sakit. Tapos minsan, ang Google lang ang ating kaibigan para malaman ang lahat ng gusto natin malaman tungkol sa isang sakit.
Hindi gaya sa English, kunti lang ang mga tagalog articles na sinulat mismo ng doktor. Kaya bilang isang doktor, napagdesisyonan ko na mag-give back sa mamayanan sa paraang pagtuturo. Alam kung ayaw kong magturo in-person, pero alam kung magaling ako magsulat kaya kayang-kaya ko magturo sa website na ito.
Ang gusto kong matutunan mo sa website na ito ay yong paano alamin kung kailan dapat i-admit ang pasyente dahil yon ang nakikita kong pinaka-importante para maiwasan ang posibleng mortality and morbidity (Kamatayan at Malalang Karamdaman).
Dahil dito, ang goal, mission at vision ng website na ito ay ang sumusunod:
Magkaroon ng at least 50,000 readers kada buwan
Magbigay ng mga health information na madaling intindihin, convincing, at accurate para sa mga Pilipino
Maging #1 Tagalog Health Website sa Pilipinas (gaya ng webmd sa English)